![FILIPINO 9_PAÑARA](https://ncr1.lms.deped.gov.ph/moodle/theme/moove/pix/default_course.jpg)
FILIPINO 9_PAÑARA
FILIPINO 9
Unang Markahan – Modyul 1
PAKSA: A. Pagsusuri sa mga Pangyayari, at ang Kaugnayan nito sa Kasalukuyang Lipunang Asyano Batay sa Napakinggang Akda B. Pagbuo ng Sariling Paghatol o Pagmamatuwid sa mga Ideyang Nakapaloob sa Akda C. Pagbibigay Kahulugan sa Mahirap at Malalim na Salitang Ginamit sa Akda Batay sa Denotatibo at Konotatibong Kahulugan D. Paghahambing ng Ilang Piling Pangyayari sa Napanood na Telenobela sa Ilang Piling Kaganapan sa Lipunang Asyano sa Kasalukuyan
Sa araling ito, mababatid mo ang mga pangyayari, at kaugnayan nito sa kasalukuyang lipunang Asyanong ating kinabibilangan sa akdang mababasa. Makatutulong ito upang makabuo ng sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda. Aalamin mo ang mga kahulugan ng mga mahihirap at malalalim na salita batay sa denotatibo at konotatibong kahulugan at makapaghahambing ka ng pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano sa kasalukuyan. Halina’t basahin natin at unawain ang mga ito.