SCIENCE 3
RONEIL EDU

SCIENCE 3

Matter

Ang matter ay mga bagay na may bigat o timbang at gumagamit ito ng espasyo o space. Ang mga bagay na ito sa iyong paligid ay maaaring nasa anyo ng solid, liquid at gas. Ito ang tatlong  uri ng matter.

Ang solid ay mga bagay na may tiyak na hugis, sukat, kulay at timbang . Ang mga halimbawa nito ay ang bola, aklat, lapis , manika at iba pa.

Ang liquid naman ay mga bagay na dumadaloy. Maaring dumadaloy ito ng mabilis o mabagal, wala itong tiyak na hugis  dahil  sinusundan lamang nito ang hugis ng kanyang lalagyan.  Ito ay maaring may kulay o wala. Mayroon din itong iba’t ibang lasa. Ang mga halimbawa nito ay tubig, juice, softdrinks, mantika at iba pa.

Samantalang ang gas naman ay tulad ng liquid walang tiyak na hugis dahil sinusundan din nito ang hugis ng kanyang lalagyan. Pero kakaiba ito dahil  madalas ay hindi natin ito nakikita at hindi maaaring hawakan pero ating nararamdaman at maaari din nating maamoy. Ang mga halimbawa nito ay hangin, oxygen, helium, usok at iba pa.