136789-KINDER
Paunang Salita
Ang modyul na ito ay para sa mga mag-aaral sa Kindergarten na opisyal na nakatala sa paaralan batay sa LESF.
Ito ay binubuo ng iba’t-ibang paksa sa pagkatuto. Ito ang mga sumusunod:
A. Pagsulat - ang mag-aaral ay magkakaroon ng pagkakataon na malinang ang kanilang kasanayan sa fine motor bilang paghahanda para sa pormal na pagsulat.
B. Pagbilang - ang mag-aaral ay magkakaroon ng pagkakataon na malaman ang mga bilang at ang iba pang konsepto sa pagbilang.
C. Pagbasa - ang mag-aaral ay magkakaroon ng pagkakataon kilalanin ang mga letra at ang kanyang tunog, bilang paghahanda sa pagbabasa.
D. Sining - ang mag-aaral ay mabibigyan ng pagkakataon na malinang ang kanilang mga malikhaing kasanayan sa pamamagitan ng arts at musika.
Ang mga magulang / guardian ay gagabayan ang mag-aaral sa paggamit ng modyul na ito. Sila ang magsisilbing guro ng kanilang anak habang sila ay nasa bahay. Susundan lamang ang tamang pagkasunod-sunod ng mga aralin sa quarter na ito.!