Araling Panlipunan 8 Kasaysayan ng Daigdig
Sa pag-aaral ng Kasaysayan, nagbabalik tanaw ang mga mag-aaral sa mga nakaraang pangyayari at mga kilalang tao na may malaking ambag. Itinuturo nito ang pagiging mapanuri, malikhain at mapagkatwiran sa mga bagay-bagay na maaaring mapukaw ang kaisipan ng mga mag-aaral. Tinutulungan din nito ang mga mag-aaral na iugnay ang nakaraan sa kasalukuyan at gayundin sa hinaharap batay sa mga ebidensiyang isiniwalat sa pag-aaral ng Kasaysayan. Malaki din ang ginagampanan nito upang magising ang diwang nasyonalismo o pagmamahal sa sariling lahi at bansa upang magkaroon ng matiwasay at maunlad na pamumuhay. Nais ng araling ito na tumatak sa kanilang puso't isip na hindi umuulit ang Kasaysayan kundi tao mismo ang naguulit nito at iba ang may alam sa KASAYSAYAN!